Wednesday, November 30, 2005

HAPPY ANIB!!!

MALIGAYANG IKA-41 MGA KASAMA!!!!

Saturday, October 29, 2005

miss ko na sila...

grace, charisse, marian, pypai, karen, jube, edmar, yasher, ed, medz, chubby, jamaal, troie, edward, panyero, mama xan, arman, schunt, rachelle, basco, eduard, checai, chai, sam, seth, mommy sha, skip, shobe, kuki, dinkay, bangbang, maomao, at sa iba pang nakalimutan ko pero mahalaga sa puso ko.... miss ko na kayo...
muahmuah...*mush*

Thursday, October 20, 2005

umuunlad na daw ang pilipinas..

umuunlad na daw ang pilipinas
sabi ng presidentend pandak
'wag daw harangan ng mga kritiko
para tuloy-tuloy ang pag-ariba
sabihin kaya niya yan sa mga ordinaryong tao
sa mga pamilyang walang laman ang plato
sa mga tatay at nanay na walang trabaho
sa mga walang matirhan
sa mga dinemolish ang tirahan
sa mga manggagawang hirap
sa mga inagawan ng lupa
sa mga di makapag-aral
sa mga may sakit na di makapagpa-ospital
sa mga taong pinagsamantalahan
ng ganid na sistema
sa mga inabuso't nagpapatuloy pa
sa bawat pilipinong hikahos
na di makita
sa kung saang sulok ang pag-unlad
subukan niyang sabihin 'yan
dahil kahit mahal na ang kamatis
siguradong uulanin siya nito....

Friday, April 29, 2005

aha!

Image hosted by Photobucket.com
buwagin ang bulok na sistema ng edukasyon!

Thursday, April 28, 2005

somebody save me...coffee pls...

to actually save me from starvation marian gave me a chocolate chip cookie...as in isang pirasong cookie...which is i'm grateful for...she is such a sweet girl...hehehe...and when somebody offered me her coffee i asked, "anong brand?"...then she said, "nescafe"...then i declined... as much as i love coffee i do not drink blood, most specially workers' blood... SO PLEASE PEOPLE WAG NA KAYONG GUMAMIT NG NESTLE PRODUCTS!!!! pero di pa rin maiiwasan... pag hinahanap na ng katawan mo ang kape at wala nang ibang choice eh makaka inom pa rin ng nescafe...syet...mabuti sana kung laging may maxwell house sa fiesta 24 (convinience store mlapit sa bahay) kaso nga lang hindi...tpos lagi pang maagang magsara ng tindahan yung intsik naming kapitbahay para kahit tea na lang eh maka bili... sana rin eh laging may pera pra makabili ng starbucks...*sigh* nampucha sobrang pathetic nman ng buhay na 'to...busy ka na nga sa mga bagay2 pero yung simpleng hiling mo lang na makainom ng kape eh di mo magawa...

my life...

again, i have been staring at the monitor for a few minutes when i realized that i have to type something...it is not because i do not know what to write but because i cannot find the words that can describe what i am feeling right now...or maybe there is no such word...

it's been quite a while since i last felt this... and i do not know how or why do i have this kind of feeling...(wait this is more than just a "feeling"...much much more than that...) it is as if i dove off a cliff without knowing if i will reach the bottom alive...and even if i don't, i'll have no regrets...it is as if i was able to breathe again, i was able to live again...

you made me realize that i do not have to conform to what people expect me to be...you removed me from my comfort zone and made me see what i have been missing all along...

thank you for coming into my life...thank you for being my life...

Friday, April 22, 2005

started with a nosebleed....

my day started with a nosebleed...my very first nosebleed in my lifetime...i'm not really feeling that well since i feel nauseous & my sweat is so cold...heck i'm not used on this kind of feeling...i am not like myself today since i'm often hyper or really talkative...as for now, i haven't uttered a single word for about an hour...i'm not even in the mood for eating (which is really something that'll shock the people around me)...i want my old self...

i often wondered what it really feels to have a nosebleed...but now i'm not sure i want to feel this again...

Wednesday, April 20, 2005

maximum tolerance po!

Walang pinipili
kahit estudyante,
madre man or pari
basta ba nag-rarally
"maximum tolerance" kunyari

sila may tear gas
tayo may placard
sde bota helmet pa ang mga loko
eh nag tsi-tsinelas lang tayo

may dala-dalang batuta
"maximum tolerance" pa kaya
kung may mga binubugbog at kinakaladkad palayo
dahil gusto lang makalapit sa kumperensya ng IPU.

sa tapat pa ng simbahan ng malate mismo
sapilitang binuwag ang mga raliyista
sabi nga ng iba sa walang pag-galang na ipinakita
kung yung mga pulis na iyon ay Kristiyano pa.

sigaw ng mga nagpoprotesta
"pakinggan nyo kaming dala ang boses ng masa
ang kalagayan ng bayan ay malayo sa tsini-tsismis sa inyo ni Gloria
talamak ang kahirapan, patayan. sa kanya wag maniwala."

sabi ng pulis, "no permit, no rally"
wag nang mag martsa, sa IPU hindi kayo kasali."
"right to peaceful assembly garantiya ng konstitusyon" sabi ng pari.

ayaw ng pandak na presidente ang mapahiya
gusto ang IPU na maging "payapa"
hinakot ang sangkatutak na pulisya
at marahas na idi-nisperse ang mga nagpo-protesta.

lumaki ang mga matang mga media na banyaga
sa nasaksihang karahasan
bug-bog sarado ang ilang pari at mga kasamahan.

sigaw ng mga pulis "walang pari-pari dito!"
sagot pa ng mga Carmelites, "pasista na talaga ang gobyerno
pati mga pari hindi sinasanto
kung kaming mga pari ay binubug-bog, ano pa kaya ang ibang tao?"

www.livejournal.com/~gareb

Tuesday, April 19, 2005

senti....

walang kasing ganda pagmasdan ang bukang liwayway
walang 'sing tamis ang huni ng ibong maya sa pagsilip ng umaga
di mapapantayan ang saya ng paggising
na makikita kung gaano kadalisay
ang pag-ibig na nadarama

walang hindi ko kayang lusubin,
kahit buhay ang iyong hingiin
upang matiyak ang iyong kaligtasan
walang hindi kaya ibigay,
para sa sintang minamahal.

walang katulad ang pagmamahal na nararapat na ialay sa tulad mo,
ang buhok mong kasing itim ng gabi,
at ang mga labi mong kasing pula ng dugo,
na dumadaloy sa aking ugat at nananahan sa aking puso
ang mga mata mong tila nang-aakit
na di kailanman mabubura sa aking gunita

atin ang bukas kung iyong nanaisin,
hawak natin ang bawat umagang darating
sa anumang sigwa na maaring dumating
ako ang haharang upang ika'y di masaktan
atin ang lahat ng bituin kung hihilingin,
atin ang buwan at pati na ang araw...

dahil para sa iyo,
alay ko ang bawat umaga
sa iyo ang buhay ko
dahil walang kapantay
ang pag-ibig na inaalay ko

Sunday, April 17, 2005

mmm...

Image hosted by Photobucket.com
alone...

Wednesday, April 13, 2005

enemy of the state daw!

para sa mga enemy of the state
message: dahel ang tawag sa iyo ay enemy of the state

tinawag ka nilang enemy of the state, kasama.

kaya nang magrally ka sa rajah sulayman
pinukpok ka at binigyan ng 3 stiches na remembrance.
habang ang mga kasama mong pari ay inilagay sa kulungan.

ito ang kanilang version ng maximum tolerance.

ang mga ralyista ang unang nambato
ang mga welgista ang unang nanggulo
walang permit para magrally dito

lalo na ang mga tinatawag nilang enemy of the state.

kasama ka duon, kasama.

at akala nila may maniniwala pa sa kanila.

akala nila tatahimik ka.
akala nila magla-lie low ka.

akala nila pag pumatay sila
ng dalawampu't siyam na aktibista
matatakot ka.

akala nila, pag sinabi nilang, six months
ubos ang militante sa isang probinsya,
matatakot ka.

binigo mo sila.

nagpunta ka pa rin
kung nasaan ang masa.

nagpunta ka sa squatters area
na di pinupuntahan ng DSWD.

nagpunta ka sa mga liblib na lugar
na di inaabot ng DPWH, DOT, DOH at Department of Energy.

nagpunta ka sa mga pabrika,
na ang unyon, ayon sa DoLE
ay pumapatay ng ekonomiya.

nagpunta ka sa mga eskuwelahang
walang blackboard
walang upuan
walang recess
walang libro
walang library
walang classroom
walang teacher

nagpunta ka sa di nila pinupuntahan.
nagpunta ka sa ayaw nilang puntahan,
at iminulat silang lumaban.

itinuro mo kung bakit ang yaman ng pilipinas
ay wala sa tagpi pagpi nilang mga tahanan.

wala sa pinggan nilang walang laman.

itinuro mo na ang lipunan ay isang malaking tatsulok
at walang ibang tunguhin ang tulad nila kundi ito ay baligtarin.

at dahil sa itinuro mong ito,
tinawag ka nila
sa isang magarbong powerpoint presentation
na enemy of the state.

para lagyan ka ng sungay
para gawin kang halimaw
para sa iyo'y walang maniwala.

nangsagayon, lumayo sa iyo ang masa.

sa isa pang pagkakataon
muli mo silang bibiguin.

--
http://shempre.blogspot.com
http://photonski.com/kilometer64

Friday, April 08, 2005

errr...

Image hosted by Photobucket.com
converse-ation

errr...

Image hosted by Photobucket.com
i know it's here somewhere...

Wednesday, March 23, 2005

grabe nah!

GRUMAGRABE NA ANG ESTADO PUMAPATAY NG WALANG KALABANLABAN DAPAT LABANAN NATIN ITO ILANG TAO PA KAYA ILANG BAYANI PA KAYA ANG MAGBUBUWIS NG BUHAY NYA PADAYON HANGGANG SA TAGUMPAY!!!
Image hosted by Photobucket.com
love lifted me

mmm....

Image hosted by Photobucket.com
as pure as a white rose

Saturday, March 19, 2005

sa kung ano lang ang lumabas

kainis dahil di ko alam kung ano ang isusulat ko... parang ang daming mga salita sa uatk ko pero di ko magawang ilabas o kung di man ay itype...madalas na ito mangyari sa akin lately kasi puno ng kung anu-ano ang utak ko...

teka namamanhid ang utak ko...di ko alam kung paano ko maiisip na ganito ang mangyayari sa buhay ng isang kaibigan..ibig sabihin lang tumatanda na kami at labas na yung mga bagay na pambata lang...wehehehe...ang saya sana kung mananatili na lamang akong bata habambuhay.. para di mo kailangan isipin ang mga bagay-bagay na nakakapagpasakit ng ulo at puso... hhhaaayyy eto na naman ako... wala na namang magawang tama... nag-eemote na naman..

sana lang kasama ako sa pagtanda nila..sana pati ang isip ko ay tumanda na rin...sana sa bawat araw na dumadaan ay may bagong mga pangyayaring uusbong sa aking pagkatao... sana makasama ko na yung angel ko... si ano.. sana talaga alam niya... at sana... sa wakas ay makita ko na siya...

ang corny...di ko pa siya nakikita pero mahal ko siya...di ko pa alam kung ano ba talaga siya pero mahal ko siya... siguro ganito talaga pag mahal mo talaga ang isang tao... sana nga lang alam niya... sana lang din ay may pagkakataon ako para sabihin sa kanya...

alam kong darating din ang araw na magkikita kami...sana nga lang pagdating no'n...mahal ko pa rin siya...hhhaaayyy..anong saya siguro kung nagkataon...

Monday, March 14, 2005

kanta ko

may kaibigang nakiusap sa aking kun pwede ko daw ba siya gawan ng kanta...di naman ako inspirado kaya hindi ako maka-gawa ng lovesong...paano ba naman eh non existent ang lovelife ko....wehehehe...pero siguro pag-iisipan kong mabuti para naman matuwa naman yung kaibigan ko n aiyon...wehehehe...siguro binabasa din niya ito...kaya para malaman mo na rin na pinag-iisipan ko ng mabuti kung anong mga salita ang maari kong gawin para sa kanta mo...wehehehe...

yun lang...wala na ulit akong maisip na makabuluhan...c",)

currently feeling: missing my angel....
sana alam mo na ikaw angel ko....

uummm.....

pag-iisip lang ng title ng entry na ito eh di ko pa magawa... haay...ganito na talaga pag tinatamaan ka na ng 'finals syndrome'...kasi ba naman eh naubos na ang energy and powers ko dahil sa finals...project dito at exam jan...naghahabol pa ako sa iba kong teachers dahil sa mga requirements na di ko pa napapasa...feeling ko katapusan na ng mundo at kamatayan ko lang ang magliligtas sa akin sa lahat ng ito...wehehehe...pero wala pa naman akong balak mag-suicide...wehehehe...happy pa naman ako sa buhay...pero hindi sa pag-aaral ko...
*****
parang next episode ang drama ng entry ko na ito...wehehehe...napansin ko kasi na wala pa akong march entry kaya ito gumawa at nagsulat ng kahit anong pumasok sa utak ko... wala na yatang pumapasok na matinong bagay sa utak ko ngayon...ksi masyado akong focused sa mga kailangang gawin ngayong finals...mahirap na...bka 3 taon na akong first year...wehehehe...
*****
sobrang nainis ako kanina nung pumunta ako ng internet cafe para makipag-chat sa isang kaibigan...happy pa ako nung umpisa at pakanta-kanta pa ng everything ng lifehouse nang biglang isang mag-syota ang umupo sa katabi kong computer...nabangga pa nga ako nung babae pero okay lang...normal lang nman iyon sa isang medyo masikip na lugar...masaya akong nakikipag-chat kay arcy nang biglang maghalikan ang dalawa!!! nung una eh parang okay lang ako...ordinaryo lang nman sa mga mag-syota yon...ang talagang naka-sira ng ulo ko eh yung tunog habang naghahalikan sila...medyo tumagal kasi eh....ay di lang pla medyo...matagal talaga yung kissing scene sa tabi ko...di ko lang talaga lubos maisip na di na nila mapigilan ang kani-kanilang mga sarili at doon talaga sa internet cafe nagpakita ng kanilang pagiging intimate...(nasabi ko bang puno yung cafe?) hhaaayyy...kaya yon...di nagtagal umalis na rin ako...at hinayaan ko na lang silang maghalikan nang maghalikan...wehehehe...sana lang kung maisipan ulit nilang maghalikan sa loob ng internet cafe eh di na nila ako katabi...para peaceful ang effect ng paligid...kasi di nakakarinig ng tunog ng kanilang labing-labing..wehehehe...
*****
finals na talaga pero di pa nagtatapos ang school year para sa akin...paano ba nman eh magsa-summer ako...wehehehe...sana lang eh maka-pasa ako sa zoology...mabuti na lang at mataas ang grades ko sa english at di ko na kailangan kumuha ng exam...wehehehe...salamat mrs. gabriel!!! labs u so much mam!!!
****
wala na akong maisip na isulat...pigang-piga na talaga siguro ang utak ko kaya di ako makalagay ng makabuluhang entry...wehehehe...tatawa na lang siguro muna ako...kasi alam ko pagkatapos ng linggong ito patay na ako sa mga magulang ko...weehehehehe...

Monday, February 28, 2005

emote na naman

"naranasan mo na ba na saktan ka ng mahal mo, ang sakit sakit...pero maiinis ka na lang dahil bigla siyang tatawag at hello pa lang niya....napatawad mo na..."

nakakainis mang aminin pero totoo ito...sa lahat ng pagkakataong gusto kong magalit sa kanya... ngiti lang niya parang nakalimutan ko na lahat...katangahan na kung katangahan pero anong magagawa ko eh ganito ang pakiramdam ko eh...ewan ko ba kung manhid lang talaga siya o ano samantalang halos lahat na yata eh alam na may gusto ako sa kanya... kelan lang meron siyang kasalanan sa akin... galit na galit ako pero nang makita ko siya parang nabura lahat ng galit... habang nakangiti siya na may maamong mukha...yun lang ang kailangan niyang gawin para mawala ang kung anumang sama ng loob... sana meron akong kapangyarihang pahintuin ang oras para pwede ko lang siyang tignan, di ko siya hahawakan....titignan ko lang siya habang iniisip kung ano ang magiging buhay ko pagtapos ng sandaling iyon...yun bang tulad ng dati... lagi lang sa tingin, sa mga biro at sa kung ano pang mga bagay na kumportable siya...dahil sa mga pagkakataong gano'n...wala akong ibang magagawa kundi isipin ang buhay ko habang siya masaya sa kanya...alam ko masasaktan ako ng husto...pero okay lang...hello pa lang niya mapapatawad ko na...

currently feeling: martir mode...

wahehehe!!!

wahehehehe!!!!

stupidity

some people are just stupid

Tuesday, February 22, 2005

natraffic ako kagabi..

maaga sana akong nakarating ng bahay kung di lang ako natagalan sa traffic sa old bridge ng Mactan...may mga pulis na nagsidatingan at ang pick up truck ng ABS-CBN...akala ng mga kasakay ko sa jeep eh dumating si gloria...asus! kailangan nga naman ng media exposure kung gano'n...pero may bahagi ng utak ko na nagsasabing hindi pagdating ni GMA ang dahilan ng traffic..ksi kung darating sya...sa new bridge siya dadaan..dun sa gawa sa platinum...para mas maganda tignan sa camera ng ABS-CBN...para mas magandang media exposure...kaya ibinasura ko na yung pag-aakalang siya nga yo'n...at sa aking pagkagulat...*shocked expression**whoa* isang kundoktor ng jeep ang nagsabi sa driver ng sinasakyan kong jeep na isang lalaki ang tumalon sa bridge...nagpakamatay daw dahil iniwan siya ng kanyang asawa kasi daw wala na siyang trabaho kaya wala na daw siyang kakayanan na buhayin silang pamilya niya...ang pobreng si lalaki wala nang makita pang dahilan para mabuhay kaya tumalon siya sa bridge... nakakaawa nman...kaninang umaga eh wala akong narinig na balita tungkol sa kanya...kung nakita ba siya o patay na...huwag nman sana...

kung sana may trabaho lang siya okay pa sana sila ng asawa niya...kung may sapat lang sana aiyang kakanyahan at kaalaman di na niya kailangan mawalan ng trabaho at maghirap ang kanyang pamilya...

Sunday, February 20, 2005

pathetic...

i really don't have any idea why the universe seems to conspire to make me feel pathetic this week...maybe mercury is in retrogate or maybe i just don't have any idea what are the things that are going on around me...i hate the feeling that i am not in control...i hate it when things don't go the way i want it to...i dunno what are the things that can make me feel alright about this whole situation but i'm trying as much as i can to be positive about certain things...
i'm hanging somewhere unsure...i'm holding on to something i know nothing about...
good thing i have this weblog wherein i can vent out all the hecks that are happening to me...again i hate this feeling...i wanna have at least a little control on the things that are happening...


isang taas kamaong pagabati sa lahat!!!
wala lang....

Tuesday, February 15, 2005

love u...

it's not how big it is...
....but what it says....

*wink*

belated happy hearts day!

graveyard

everything is blurry

Thursday, February 10, 2005

pinaghalo-halo....


maraming mga bagay ang nagpapagulo sa utak ko ngayon...di ko alam pero di ko yata maskyan masyado ang mga pagbabago sa paligid ko...may mga nakasanayan nang di ko inaakalang maglalaho na lang bigla...na mapapalitan ng iba...nahihirapan akong ibagay ang sarili ko sa mga pangyayari...siguro gaya ng mga naunang nakaranas nito sasabihin lang eh "sanayan lang"... siguro masasanay din ako na wala siya...nahindi ko siya nakikita...na kahit anong balita tungkol sa kanya ay wala...kahit mahirap...masasanay din ako...

**********
....maiba nman tayo....
akala siguro ni gloria mayaman lahat ng tao sa pinas...kung maaprubahan ang VAT mamatay ang mga Pilipino sa lahat ng pasaning ibibigay ng kanyang bulok na sistema ng pamumuno...puro lamang siya pacute sa camera ng lahat ng stasyon... bakit nga ba meron nito? syempre para may pambayad daw sa mga utang ng Pinas! para pag may naibayad na eh makaka-utang ulit!!! sabi niya ang mga malalaking kumpanya lang ang madadamay...pwede ba??? ginagawa niyang tanga ang mga tao!!! sa mga malalaking kumpanya daw ipapasa ang buwis...syempre ang mga kumpanyang ito ay ipapasa sa kanilang mamimili ang buwis...kaya ang mga mamamayan pa rin ang papasan sa VAT... sa oras na maipatupad ito...pati ata fishball at isaw ko eh tataas ang presyo...kahit na ang noodles at sardinas eh mamahal na rin...mas lalong lalabas na kawawa ang mga mahihirap (sa lahat naman ng pagkakataon ay sila ang kawawa)...ang mga pamilyang sardinas, tuyo, noodles ang nakakayanang ihain eh baka tuluyan nang wala nang makain!!! ito ba ang solusyon ni gloria sa kahirapan ng Pinas???di na siya nagsisilbi para sa interes ng sambayanang pilipino...ang interes ng mga mayayaman ang dala niya...nakakasuka nang tignan ang mga kaplastikan niya...ang bawat ngiti niya na tila nagpapahiwatig na ayos lang ang lahat ay isang malaking sampal sa bawat naghihirap na mga Pilipino...
naiinis na ako...kung di ko pa ito titigilan baka kung ano pang mga salita ang mailagay ko dito... kanina pa ako nagpipigil...kanina pa ako nagtitimpi...
*******
...sa kabilang banda (sa tatamaan lang!).....
alam mo na naman ang tama...alam mo naman kung ano ang dapat gawin...pero bakit tila wala kang pakialam sa mga nangyayaring kaguluhan sa paligid mo... iniiwan mo sa ere ang mga taong umaasa sa iyo...ginawa mo na ito dati...akala ko huli na 'yon...pero ngayon tila wala ka na talagang planong magbago....bakit di nlang pwede na makinig ka kahit isang beses lang...bakit hindi pwedeng maging maayos na lang ang lahat...bakit di mo na lang gawin kung ano ang dapat...kung ano ang tama...
pagod na akong magtanggol sa iyo kung may magtatanong kung napapaano ka na ba...ayoko nang saluhin ang mga reklamo ng ibang tao tungkol sa iyo...ayoko na silang pakinggan dahil nasisira lang ang kung anumang magandang pagtingin ko sa iyo...nabibingi na ako sa reklamo... ayoko nang makinig...

Sunday, February 06, 2005

valentine heartbreak...

i'm currently listening to laura pausini's song >>> loneliness
nope i am not lonely... i chose not to be... i do not need a boyfriend for me to be happy... i have lotsa friends and for me...it is already enough reason to be happy!!
i don't know why but valentine's has never been good to me... i broke up with my boyfriend on valentine's day which also happens to be our prom night... i dont wanna deal with the specifics but the bottom line is i don't see the need to celebrate it...
but on the contrary i have something to do on that day... i'm going to watch a cultural show...
hehehe...happy na life ko...
well valentines isn't bad at all....
happy hearts day everyone....

Friday, February 04, 2005

just wanna have fun



students just wanna have fun... i am a student... therefore.............

Thursday, February 03, 2005

punk_gurl



not a typical med person...that's me...i'm gonna rock every patient's world they wouldn't know what hit them... hehehe...
rock on!!!!

Sunday, January 30, 2005

for my dad

while on my way to school this morning i saw a man walking...tall, lanky and with gray hair... he had his back towards me but my heart skipped its beat...i know it is not him...but he reminded me of my dad...being away from him for quite some time is hard...and i miss him so much...

i wanted to cry and smile at the same time...i started thinking about our good times together and all the things we did together...yes, i am a daddy's girl...he taught me almost everything i know... basketball, tennis, how to cook, how to answer crossword puzzles, where is the way to the sports center, almost everything...i miss all the takas moments...we will go out in the middle of the night and go to our favorite isawan...or we often end up in jollibee... when i was a kid he would always buy me this ice cream on stick with a clown's face on it... i will never forget the time when he made pizza for us...and when i was a kid he taught me how to make a paper boat and we sent it drifting away together with the baha...wehehehe...that was when we were still in marikina... but i grew up...in and height and otherwise (wehehehe) i will never forget when he made burger patties and made hamburgers for our baon in school...when he converted our broken ricecooker to a very useful barbecue grill and we had our barbecue party in our backyard... one of the happy memories i will tell to my children down to my grandchildren...

now that we are apart, i miss everything we shared...even the petty quarrels that we had... when we say "estiopek" to each other...cause it is our other way of saying i love you...

i don't know when i'm going to see him again....but when that day comes...i'll hug him so tight he will not know what hit him... i love my dad so much...that's why writing these things makes me cry..*sob*...

i will always be daddy's little girl...and he will always be the greatest man in my life...

Monday, January 24, 2005

Tuesday, January 18, 2005

imagine this

imagine a girl walking in the rain, wearing a baseball cap, in an all-white outfit and wiping her face...not because of rain but because of tears...
it was me a few moments ago...crying my heart out in my nursing uniform and soaking in the rain...i don't wanna stop cause something in me just wanted to walk and walk...far from all the places i know...far from me...but sad to say i cannot escape myself...as much as i wanted to i just can't...yup i'm into this mode that i hate myself because of all the hecks that's happening to me...i guess this is here to stay...
i'm still on the rollercoaster ride that i mentioned months ago...but i'm on the loop and it seems to stop...i guess i'll have to wait for the coaster operator to turn it on again...or maybe it is another person...even if...i'm not in a hurry...i want to feel this pain so that i will do everything for me not to feel this again...

Tuesday, January 04, 2005

laugh your heart out

103 Ways to Annoy, Harass, Confuse or Generally Scare Lord Voldemort
[or: Sure-Fire ways to Get Yourself Killed. (Or At Least Crucio'd Round The Block and Back Again)](this can be found at mugglenet.com)
1. Ask him why he 'doesn't have such a cool scar?'
2. Laugh at him.
3. Wake him up by singing Beach Boys songs in his ear. 'Round, round, get around, I get around...'
4. Knit him things. Really hideous things.
5. Give him kangaroo-ears for a month.
6. Smile during Death-Eater meetings and say you taught him everything he knows.
7. Chew bubblegum all the time. Should he address you, your only response will be a series of huge bubbles in quick succession, the last of which will burst everywhere and make a mess.
8. Dance the Funky Chicken.
9. Ask him when was the last time he took a bath.
10. Pat him on the head and give him flowers when his plans are foiled yet again.
11. If you ever need to say 'Like taking candy from a baby', be sure to add 'Of course, SOME of us might find that harder than others.' Stare pointedly at him.
12. Play 'knock-&-run' at his bedchamber door late at night.
13. Call him 'The-man-who-let-the-boy-live'
14. Ask why the Dark Mark couldn't look like something 'more socially acceptable?'
15. Insist that you have met chunks of cheese with more cunning plans than his.
16. Pinch him. Make sure he squeals.
17. Be cheerful.
18. When he tries to impress you with his powers say 'Awwwww, lookit. Voldie's got a twiggle!'
19. Try to teach him to play a mouth organ.
20. Roll your eyes during plotting sessions and say things under your breath like 'You're the boss, boss' or 'It's your funeral.'
21. Greet him in the mornings with a sarcastic 'My sir, you look particularly menacing today.'
22. Taunt him about his middle name. 'Marvolo? What’s that, a washing detergent?'
23. Keep a 'good-behaviour chart'. Award points and give out gold stars.
24. Magic-marker Potter-style glasses on him while he sleeps.
25. Apparate into and out of his room rapidly. Do this non-stop for an hour. *poof* there *poof* gone *poof* there....
26. Play cards with him. Tell him he has no poker-face and how does he expect to rule supreme without one?
27. Let off party-poppers in his face whenever the urge strikes you.
28. 'Did you even HAVE a girlfriend? Like, ever?'
29. Get a pair of finger puppets closely resembling himself and Harry Potter. Re-enact all of Harry's victories over him in a spectacularly childish way. Be sure to give them both squeaky voices.
30. Anytime he enters any room, insist on entering first and announcing him grandly.
31. In these announcements, fake a trumpet noise and give him an equally fake drumroll.
32. Exclaim sarcastically 'You're breakin' my little heart here, o dark one' whenever he starts to talk of what has caused to become who he is.
33. Encourage him to 'think happy thoughts!'
34. Ask him to give you written summaries of his sinister plots for revenge and war. Correct his spelling.
35. Mock his choice of Quirrel as a 'host'.
36. Tell you think a yoga class could 'cure him of his wicked ways'
37. Get the song 'Mr. Tambourine Man' stuck in his head.
38. If he's having evil-plotter's-block in one of his scheming sessions 'Wingardium Leviosa' a light bulb to float above his head. Turn it on. Look offended when he gets angry and say you 'thought you were helping!'
39. Tell him constantly to stop repressing his anger.
40. Buy him a stress ball.
41. Hint that he is only a character in a book and will never triumph.
42. Call him Tommy-boy.
43. If you're feeling gutsy, call him Voldie-poo.
44. Whack him in the arm and say 'mosquito' - every few minutes.
45. Say he 'looked better under the turban'
46. Eat his pet snake. Offer him some.
47. Endeavour to teach him to steeple his fingers, lean back and say 'Eeeexcellent'.
48. Start drawing outlandish parallels between his life story and 'Star Wars'. Talk at great length.
49. Be generally in awe of him and never look away.
50. 'Imperius' his Death Eaters into a rousing chorus of 'All Things Bright And Beautiful'
51. Shower him with confetti and rice, anytime you think he needs to make a 'grand entry'.
52. Paint all the Death-Eater masks with bright colours and glitter.
53. Throw him a 'care-bears' themed birthday party.
54. Tell him what Snape's really up to.
55. Politely exclaim now and again that you 'don't know how he can be so afraid of dear old Dumbles'
56. Sing 'California Dreamin' at the top of your lungs when he's trying to have an 'evil moment'
57. Should you ever be eating with him - drum tunes with your cutlery, play with your food and blow bubbles in your chocolate milk.
58. Ask him to dance a polka with you.
59. Work cutesy phrases like 'pushing-up-daisies' and 'smooth-as-a-baby's-bottom' into conversation as much as possible.
60. Ask him if he's sure 'the whole evil-maniac-out-for-power-and-revenge thing isn't getting a bit old?'
61. Get him to play 'Twister' with you.
62. Tell him you know this great therapist in London....
63. Throw tupperware parties. Insist he sit through them.
64. Tell him you've met plently of people more evil than he.
65. Hide his teddy bear. That ALWAYS makes him cry.
66. Get him a plant. Act mortally offended when he doesn't water it and it dies. 67. Steal, snap and bury his wand.
68. Tell him Lucius did it.
69. Give Rita Skeeter full knowledge of his whereabouts and contact details.
70. Remind him that he isn't even really alive.
71. Write him a theme song. Start singing it whenever he is about to do or say something particularly clever and nasty.
72. Offer to sacrifice Draco Malfoy 'to the cause'
73. Insist on reading him bedtime stories. Include 'The Ugly Duckling'
74. Make vague allusions to Harry Potter being his son.
75. When he's done something particularly nasty - cross your arms, waggle a finger and say 'Now now, do you really think Salazar would have approved of that?'
76. Ask him how he can possibly wish to harm a single hair on the head of 'that sweet, innocent, cute little boy.'
77. Tell him Wormtail has a crush on him.
78. Lecture him at great length on why he shouldn't use the unforgivables. 79. Leave disgusting and rotting dead things near him. Insist that it is 'Aromatherapy'
80. Begin any question you ask him with 'Riddle me this!' Emphasis on Riddle.
81. Do not EVER act in the slightest way intimidated by him. Treat him as you would an eccentric aquaintance.
82. Cuddle him at random moments.
83. Sign him up for Little-League.
84. Ask him why he's afraid of a frail old man with a beard the size of a beehive and can't fight babies.
85. Throw biscuits at him. Constantly.
86. Tell him you think evil master plans of world domination are 'kind of girlie'
87. Quote Argus Filch. Insist HE will one day rule the wizarding world.
88. Wonder aloud whether the name Voldemort commands as much respect as, say, Potter or Dumbledore.
89. Mimic everything he says in a sing-song voice.
90. Mimic everything he does with exaggerated limb-movements.
91. Write sonnets for him.
92. Insist he help you with the newspaper crossword every morning.
93. Offer him ice cream cake.
94. Tell people he's 'really just a big softie'
95. Psychoanalyze him. Conclude that he is 'mildy depressed' and 'a bit of a control-freak'.
96. Mock his baldness.
97. Smile and say loudly 'Who loves you, Volders?' at inopportune moments. (Ie: another of his attempted 'evil moments')
98. Get him drunk.
99. Drag out a banjo at Death Eater revels and start playing 'Kumbayah'
100. Let him catch you trying on Death-Eater robes.
101. Be Harry Potter. Be alive.
102. As he's plotting dark deeds, pretend to cough and mutter things like "Not gonna work," or "stupid."
103. Call him "Champ" or "Tiger." Refer to yourself as "Coach."
aren't u laughing ur bottom off now? lol

Monday, January 03, 2005

new year's resolution

okay i know sobrang gasgas na ung mga resolutions sa world!!!!but then this is fun...so these are my new year's resolution!!!!
1. FOCUS!!!! -im so sure na di ko kaya ito as in right away...but then i need to focus and set my priorities straight!!!! focus sa acads ko pati na rin sa work ko with the publication!!!! i should present better grades than the previous sem...[my grades weren't bad! silly! i had less loads last sem!]....i will try my best not to be late in my zology and chem class...i'll try my best not to sleep in logic as well as with my rizal subject... i will love my speech class more & i will attend my sociology and anthropology class....unlike before...hehehehehe...
2. the dreaded D word...DIET!!!!! i was once locked outside the pub office so i hafta climb somewhere to be able to go inside...so i climbed and jumped [it was more or less 6 feet]...i told this to my friends & one of them [a very yabang friend who also happens to be so thin & patpatin!!] told me 'good thing walang crater after you jumped!' huh! the nerve!!! so after i assaulted him & told him 'pag pumayat ako di kita papansinin forever!!!' so i decided to go on a diet... which is kinda hard cause i love food so much!!! i actually went to a doctor & she told me that i hafta lose weight..although i'm not that big but she told me that my height is somehow covering my weight...so i really need to go on a diet...
3. be good to my sibs -okay i'm not the model ate because im not that close to them...so i'll try my best to be nicer to them...
i cant add another since i cannot change myself right away....but i'll try to do these...promise...