para sa mga enemy of the state
message: dahel ang tawag sa iyo ay enemy of the state
tinawag ka nilang enemy of the state, kasama.
kaya nang magrally ka sa rajah sulayman
pinukpok ka at binigyan ng 3 stiches na remembrance.
habang ang mga kasama mong pari ay inilagay sa kulungan.
ito ang kanilang version ng maximum tolerance.
ang mga ralyista ang unang nambato
ang mga welgista ang unang nanggulo
walang permit para magrally dito
lalo na ang mga tinatawag nilang enemy of the state.
kasama ka duon, kasama.
at akala nila may maniniwala pa sa kanila.
akala nila tatahimik ka.
akala nila magla-lie low ka.
akala nila pag pumatay sila
ng dalawampu't siyam na aktibista
matatakot ka.
akala nila, pag sinabi nilang, six months
ubos ang militante sa isang probinsya,
matatakot ka.
binigo mo sila.
nagpunta ka pa rin
kung nasaan ang masa.
nagpunta ka sa squatters area
na di pinupuntahan ng DSWD.
nagpunta ka sa mga liblib na lugar
na di inaabot ng DPWH, DOT, DOH at Department of Energy.
nagpunta ka sa mga pabrika,
na ang unyon, ayon sa DoLE
ay pumapatay ng ekonomiya.
nagpunta ka sa mga eskuwelahang
walang blackboard
walang upuan
walang recess
walang libro
walang library
walang classroom
walang teacher
nagpunta ka sa di nila pinupuntahan.
nagpunta ka sa ayaw nilang puntahan,
at iminulat silang lumaban.
itinuro mo kung bakit ang yaman ng pilipinas
ay wala sa tagpi pagpi nilang mga tahanan.
wala sa pinggan nilang walang laman.
itinuro mo na ang lipunan ay isang malaking tatsulok
at walang ibang tunguhin ang tulad nila kundi ito ay baligtarin.
at dahil sa itinuro mong ito,
tinawag ka nila
sa isang magarbong powerpoint presentation
na enemy of the state.
para lagyan ka ng sungay
para gawin kang halimaw
para sa iyo'y walang maniwala.
nangsagayon, lumayo sa iyo ang masa.
sa isa pang pagkakataon
muli mo silang bibiguin.
--
http://shempre.blogspot.com
http://photonski.com/kilometer64
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment