Walang pinipili
kahit estudyante,
madre man or pari
basta ba nag-rarally
"maximum tolerance" kunyari
sila may tear gas
tayo may placard
sde bota helmet pa ang mga loko
eh nag tsi-tsinelas lang tayo
may dala-dalang batuta
"maximum tolerance" pa kaya
kung may mga binubugbog at kinakaladkad palayo
dahil gusto lang makalapit sa kumperensya ng IPU.
sa tapat pa ng simbahan ng malate mismo
sapilitang binuwag ang mga raliyista
sabi nga ng iba sa walang pag-galang na ipinakita
kung yung mga pulis na iyon ay Kristiyano pa.
sigaw ng mga nagpoprotesta
"pakinggan nyo kaming dala ang boses ng masa
ang kalagayan ng bayan ay malayo sa tsini-tsismis sa inyo ni Gloria
talamak ang kahirapan, patayan. sa kanya wag maniwala."
sabi ng pulis, "no permit, no rally"
wag nang mag martsa, sa IPU hindi kayo kasali."
"right to peaceful assembly garantiya ng konstitusyon" sabi ng pari.
ayaw ng pandak na presidente ang mapahiya
gusto ang IPU na maging "payapa"
hinakot ang sangkatutak na pulisya
at marahas na idi-nisperse ang mga nagpo-protesta.
lumaki ang mga matang mga media na banyaga
sa nasaksihang karahasan
bug-bog sarado ang ilang pari at mga kasamahan.
sigaw ng mga pulis "walang pari-pari dito!"
sagot pa ng mga Carmelites, "pasista na talaga ang gobyerno
pati mga pari hindi sinasanto
kung kaming mga pari ay binubug-bog, ano pa kaya ang ibang tao?"
www.livejournal.com/~gareb
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tol nilink kita ha?mabuhey!
Post a Comment