Saturday, May 24, 2008

new version of boy friends

these are the guys that makes me smile...i know this is not the original post but some of these guys were complaining that i don't have the right pic and some of them were selos because they are not in the original list....nyahehehehe...



this is my babe jake...he's the sweetest, hottest, sexiest and funniest guy ever...watch out pinas...he's gonna be our next heartthrob...nyahehehehe...and am his number one fan!


nathan is currently one of my favorite guys...nyahehehe...he's super kulet and super funny...never fails on making me smile...


genki...i like seeing him in his school uniform...weeee...makes me think of the guys in tokyo drift...nyahehehehe...


my religion...nyahehehehe...sebastian aka prommy is a very talented musician ever...am glad he's one of my friends...


shoti jude...my pasaway li'l bro...chickboy pero sabi niya goodboy na daw siya ngayon...nyahehehehe...


yuan...one of the good looking guys at sows boring...i love it when he's shirtless...ahahaha...pero madaming beses na akong pinagtanggol nito...


the inlove marky boi...hahahaha...one of the funniest guys that i know...


jube...errrr....i've been inlove with this guy for a long time...until i saw his younger bro...nyahahaha...


he complained why his pic was unappealing...nyahahahaha...miss this guy...

these are the guys that are important to me...will definitely kick ass for these people...

Thursday, May 22, 2008

an open letter to 'tay (hope it reaches him)

dear 'tay,

eto na naman tayo...minsan sinabi mo sa akin na sa panahong malungkot, naguguluhan, naiinis o nagagalit ako ay panghawakan ko lang ang bagay na alam kong malakas ako. sa pagsusulat ko nakita ang lakas at tiwala sa sarili na hindi kailanman naibigay ng mundo sa akin, dito alam kong di ako bibitawan at hindi ako mauubusan ng maisusulat hangga't gumagana ang utak ko. tama ka rin, darating ang araw na mawawala ka sa tabi ko pero hindi ibig sabihin no'n ay di na kita pwede sabihan kung ano man ang nangyayari sa buhay ko. kaya nga heto ako ngayon, nagbabaka sakali na kahit alam kong marami kang ginagawa ay baka mabasa mo pa ito.

namimiss kita, aaminin ko yun. namimiss ko ang mga kulitan, kwentuhan, asaran at laro natin. namimiss ko ang mga araw na ngiti mo lang ang nagpapakumpleto sa buhay ko, at sa bawat pagkakataon na mahahawakan ko ang mga kamay mo ay alam kong ligtas ako. alam ko meron na tayong kanya-kanyang buhay pero sana alam mong naging masaya ako na naging bahagi ka ng buhay ko. alam ko wala na ang bawat minutong pagtetext at oras oras na telebabad pero masaya ako at minsan ay nagkakaron tayo ng pagkakataon para makapag kwentuhan.

'tay ngayon naguguluhan ako, hinahanap ko yung mga pagkakataong alam mo ang solusyon sa lahat. yung tinitignan mo pa lang ako ay alam mo na kung anong problema ko at kung pano ko malulusutan iyon. hindi na kasi ako yung parehong inah na nakilala mo. hindi na rin ako yung hinahanap mo nung nakaraan. ikaw na mismo ang nagsabi, bakit napakalungkot ng inah ngayon at bakit puno ng galit ang inah ngayon. kung bakit iba na ang ngiti ng inah ngayon at wala na ang mga mata ng dating inah. kahit ako hinahanap ko rin siya 'tay. kung pwede lang ako bumalik sa panahon, babalaan ko siya sa mga nangyayari ngayon para hindi na niya maranasan ang sakit na nandito sa loob ko.

nasaktan ako 'tay. di ko alam kung bakit sarili ko ang pinaparusahan ko sa sakit na dulot ng iba. di ko na alam kung saan hahanapin yung simpleng inah na gusto lang ang mga simpleng bagay. sana di na lang ako nagpadala sa mga bagay na akala ko ay mamahalin din ako, sa mga taong akala kong mamahalin din ako. dahil ngayon di ko na makita ang sarili ko sa bawat pagharap ko sa salamin, mukha ko ang nakikita ko pero hindi ako ang nakatingin sa sarili ko. hindi dahil inaakala nilang malakas ako ay kailangan nila akong saktan ng ganito dahil sa pagkakataong ito, di ko alam paano ako tatayo.

nagtataka ka siguro kung bakit sa 'yo ko ito sinusulat, kasi alam kong kilala mo ako. nakilala mo ako sa pinakamahinang panahon ng buhay ko at nandoon ka rin ng sinubukan kong simulan ulit ang buhay, yung kasama ka at nasa tabi kita. di ko naman hinihingi na bumalik ang dati pero nababawasan ang sama ng loob dahil alam kong mababasa mo din ito. alam kong may lugar pa rin naman ako sa iyo dahil ganon ka rin naman sa akin.

salamat sa pakikinig (pagbabasa na rin!)...


eto pa rin ako,
'nay...