Thursday, February 10, 2005

pinaghalo-halo....


maraming mga bagay ang nagpapagulo sa utak ko ngayon...di ko alam pero di ko yata maskyan masyado ang mga pagbabago sa paligid ko...may mga nakasanayan nang di ko inaakalang maglalaho na lang bigla...na mapapalitan ng iba...nahihirapan akong ibagay ang sarili ko sa mga pangyayari...siguro gaya ng mga naunang nakaranas nito sasabihin lang eh "sanayan lang"... siguro masasanay din ako na wala siya...nahindi ko siya nakikita...na kahit anong balita tungkol sa kanya ay wala...kahit mahirap...masasanay din ako...

**********
....maiba nman tayo....
akala siguro ni gloria mayaman lahat ng tao sa pinas...kung maaprubahan ang VAT mamatay ang mga Pilipino sa lahat ng pasaning ibibigay ng kanyang bulok na sistema ng pamumuno...puro lamang siya pacute sa camera ng lahat ng stasyon... bakit nga ba meron nito? syempre para may pambayad daw sa mga utang ng Pinas! para pag may naibayad na eh makaka-utang ulit!!! sabi niya ang mga malalaking kumpanya lang ang madadamay...pwede ba??? ginagawa niyang tanga ang mga tao!!! sa mga malalaking kumpanya daw ipapasa ang buwis...syempre ang mga kumpanyang ito ay ipapasa sa kanilang mamimili ang buwis...kaya ang mga mamamayan pa rin ang papasan sa VAT... sa oras na maipatupad ito...pati ata fishball at isaw ko eh tataas ang presyo...kahit na ang noodles at sardinas eh mamahal na rin...mas lalong lalabas na kawawa ang mga mahihirap (sa lahat naman ng pagkakataon ay sila ang kawawa)...ang mga pamilyang sardinas, tuyo, noodles ang nakakayanang ihain eh baka tuluyan nang wala nang makain!!! ito ba ang solusyon ni gloria sa kahirapan ng Pinas???di na siya nagsisilbi para sa interes ng sambayanang pilipino...ang interes ng mga mayayaman ang dala niya...nakakasuka nang tignan ang mga kaplastikan niya...ang bawat ngiti niya na tila nagpapahiwatig na ayos lang ang lahat ay isang malaking sampal sa bawat naghihirap na mga Pilipino...
naiinis na ako...kung di ko pa ito titigilan baka kung ano pang mga salita ang mailagay ko dito... kanina pa ako nagpipigil...kanina pa ako nagtitimpi...
*******
...sa kabilang banda (sa tatamaan lang!).....
alam mo na naman ang tama...alam mo naman kung ano ang dapat gawin...pero bakit tila wala kang pakialam sa mga nangyayaring kaguluhan sa paligid mo... iniiwan mo sa ere ang mga taong umaasa sa iyo...ginawa mo na ito dati...akala ko huli na 'yon...pero ngayon tila wala ka na talagang planong magbago....bakit di nlang pwede na makinig ka kahit isang beses lang...bakit hindi pwedeng maging maayos na lang ang lahat...bakit di mo na lang gawin kung ano ang dapat...kung ano ang tama...
pagod na akong magtanggol sa iyo kung may magtatanong kung napapaano ka na ba...ayoko nang saluhin ang mga reklamo ng ibang tao tungkol sa iyo...ayoko na silang pakinggan dahil nasisira lang ang kung anumang magandang pagtingin ko sa iyo...nabibingi na ako sa reklamo... ayoko nang makinig...

No comments: