Friday, April 29, 2005

aha!

Image hosted by Photobucket.com
buwagin ang bulok na sistema ng edukasyon!

Thursday, April 28, 2005

somebody save me...coffee pls...

to actually save me from starvation marian gave me a chocolate chip cookie...as in isang pirasong cookie...which is i'm grateful for...she is such a sweet girl...hehehe...and when somebody offered me her coffee i asked, "anong brand?"...then she said, "nescafe"...then i declined... as much as i love coffee i do not drink blood, most specially workers' blood... SO PLEASE PEOPLE WAG NA KAYONG GUMAMIT NG NESTLE PRODUCTS!!!! pero di pa rin maiiwasan... pag hinahanap na ng katawan mo ang kape at wala nang ibang choice eh makaka inom pa rin ng nescafe...syet...mabuti sana kung laging may maxwell house sa fiesta 24 (convinience store mlapit sa bahay) kaso nga lang hindi...tpos lagi pang maagang magsara ng tindahan yung intsik naming kapitbahay para kahit tea na lang eh maka bili... sana rin eh laging may pera pra makabili ng starbucks...*sigh* nampucha sobrang pathetic nman ng buhay na 'to...busy ka na nga sa mga bagay2 pero yung simpleng hiling mo lang na makainom ng kape eh di mo magawa...

my life...

again, i have been staring at the monitor for a few minutes when i realized that i have to type something...it is not because i do not know what to write but because i cannot find the words that can describe what i am feeling right now...or maybe there is no such word...

it's been quite a while since i last felt this... and i do not know how or why do i have this kind of feeling...(wait this is more than just a "feeling"...much much more than that...) it is as if i dove off a cliff without knowing if i will reach the bottom alive...and even if i don't, i'll have no regrets...it is as if i was able to breathe again, i was able to live again...

you made me realize that i do not have to conform to what people expect me to be...you removed me from my comfort zone and made me see what i have been missing all along...

thank you for coming into my life...thank you for being my life...

Friday, April 22, 2005

started with a nosebleed....

my day started with a nosebleed...my very first nosebleed in my lifetime...i'm not really feeling that well since i feel nauseous & my sweat is so cold...heck i'm not used on this kind of feeling...i am not like myself today since i'm often hyper or really talkative...as for now, i haven't uttered a single word for about an hour...i'm not even in the mood for eating (which is really something that'll shock the people around me)...i want my old self...

i often wondered what it really feels to have a nosebleed...but now i'm not sure i want to feel this again...

Wednesday, April 20, 2005

maximum tolerance po!

Walang pinipili
kahit estudyante,
madre man or pari
basta ba nag-rarally
"maximum tolerance" kunyari

sila may tear gas
tayo may placard
sde bota helmet pa ang mga loko
eh nag tsi-tsinelas lang tayo

may dala-dalang batuta
"maximum tolerance" pa kaya
kung may mga binubugbog at kinakaladkad palayo
dahil gusto lang makalapit sa kumperensya ng IPU.

sa tapat pa ng simbahan ng malate mismo
sapilitang binuwag ang mga raliyista
sabi nga ng iba sa walang pag-galang na ipinakita
kung yung mga pulis na iyon ay Kristiyano pa.

sigaw ng mga nagpoprotesta
"pakinggan nyo kaming dala ang boses ng masa
ang kalagayan ng bayan ay malayo sa tsini-tsismis sa inyo ni Gloria
talamak ang kahirapan, patayan. sa kanya wag maniwala."

sabi ng pulis, "no permit, no rally"
wag nang mag martsa, sa IPU hindi kayo kasali."
"right to peaceful assembly garantiya ng konstitusyon" sabi ng pari.

ayaw ng pandak na presidente ang mapahiya
gusto ang IPU na maging "payapa"
hinakot ang sangkatutak na pulisya
at marahas na idi-nisperse ang mga nagpo-protesta.

lumaki ang mga matang mga media na banyaga
sa nasaksihang karahasan
bug-bog sarado ang ilang pari at mga kasamahan.

sigaw ng mga pulis "walang pari-pari dito!"
sagot pa ng mga Carmelites, "pasista na talaga ang gobyerno
pati mga pari hindi sinasanto
kung kaming mga pari ay binubug-bog, ano pa kaya ang ibang tao?"

www.livejournal.com/~gareb

Tuesday, April 19, 2005

senti....

walang kasing ganda pagmasdan ang bukang liwayway
walang 'sing tamis ang huni ng ibong maya sa pagsilip ng umaga
di mapapantayan ang saya ng paggising
na makikita kung gaano kadalisay
ang pag-ibig na nadarama

walang hindi ko kayang lusubin,
kahit buhay ang iyong hingiin
upang matiyak ang iyong kaligtasan
walang hindi kaya ibigay,
para sa sintang minamahal.

walang katulad ang pagmamahal na nararapat na ialay sa tulad mo,
ang buhok mong kasing itim ng gabi,
at ang mga labi mong kasing pula ng dugo,
na dumadaloy sa aking ugat at nananahan sa aking puso
ang mga mata mong tila nang-aakit
na di kailanman mabubura sa aking gunita

atin ang bukas kung iyong nanaisin,
hawak natin ang bawat umagang darating
sa anumang sigwa na maaring dumating
ako ang haharang upang ika'y di masaktan
atin ang lahat ng bituin kung hihilingin,
atin ang buwan at pati na ang araw...

dahil para sa iyo,
alay ko ang bawat umaga
sa iyo ang buhay ko
dahil walang kapantay
ang pag-ibig na inaalay ko

Sunday, April 17, 2005

mmm...

Image hosted by Photobucket.com
alone...

Wednesday, April 13, 2005

enemy of the state daw!

para sa mga enemy of the state
message: dahel ang tawag sa iyo ay enemy of the state

tinawag ka nilang enemy of the state, kasama.

kaya nang magrally ka sa rajah sulayman
pinukpok ka at binigyan ng 3 stiches na remembrance.
habang ang mga kasama mong pari ay inilagay sa kulungan.

ito ang kanilang version ng maximum tolerance.

ang mga ralyista ang unang nambato
ang mga welgista ang unang nanggulo
walang permit para magrally dito

lalo na ang mga tinatawag nilang enemy of the state.

kasama ka duon, kasama.

at akala nila may maniniwala pa sa kanila.

akala nila tatahimik ka.
akala nila magla-lie low ka.

akala nila pag pumatay sila
ng dalawampu't siyam na aktibista
matatakot ka.

akala nila, pag sinabi nilang, six months
ubos ang militante sa isang probinsya,
matatakot ka.

binigo mo sila.

nagpunta ka pa rin
kung nasaan ang masa.

nagpunta ka sa squatters area
na di pinupuntahan ng DSWD.

nagpunta ka sa mga liblib na lugar
na di inaabot ng DPWH, DOT, DOH at Department of Energy.

nagpunta ka sa mga pabrika,
na ang unyon, ayon sa DoLE
ay pumapatay ng ekonomiya.

nagpunta ka sa mga eskuwelahang
walang blackboard
walang upuan
walang recess
walang libro
walang library
walang classroom
walang teacher

nagpunta ka sa di nila pinupuntahan.
nagpunta ka sa ayaw nilang puntahan,
at iminulat silang lumaban.

itinuro mo kung bakit ang yaman ng pilipinas
ay wala sa tagpi pagpi nilang mga tahanan.

wala sa pinggan nilang walang laman.

itinuro mo na ang lipunan ay isang malaking tatsulok
at walang ibang tunguhin ang tulad nila kundi ito ay baligtarin.

at dahil sa itinuro mong ito,
tinawag ka nila
sa isang magarbong powerpoint presentation
na enemy of the state.

para lagyan ka ng sungay
para gawin kang halimaw
para sa iyo'y walang maniwala.

nangsagayon, lumayo sa iyo ang masa.

sa isa pang pagkakataon
muli mo silang bibiguin.

--
http://shempre.blogspot.com
http://photonski.com/kilometer64

Friday, April 08, 2005

errr...

Image hosted by Photobucket.com
converse-ation

errr...

Image hosted by Photobucket.com
i know it's here somewhere...