Sunday, November 16, 2008

may araw din sila

sa bawat palo, sa bawat pagbigwas, sa bawat hampas
may araw din sila...
sa bawat bala, sa bawat saksak, sa bawat pananamantala
may araw din sila...
sa bawat galos, sa bawat sugat at sa bawat bali ng katawan
may araw din sila...
sa mga taong nawawala, sa mga di na makita
may araw din sila...
sa bawat buhay na nawala, sa pamilyang lumuha
may araw din sila...

sa bawat taong namumulat
sa bawat taong bumabalikwas
sa bawat pilipinong lumalaban
darating ang araw nila...

darating ang araw ng paniningil...

No comments: