Monday, February 28, 2005

emote na naman

"naranasan mo na ba na saktan ka ng mahal mo, ang sakit sakit...pero maiinis ka na lang dahil bigla siyang tatawag at hello pa lang niya....napatawad mo na..."

nakakainis mang aminin pero totoo ito...sa lahat ng pagkakataong gusto kong magalit sa kanya... ngiti lang niya parang nakalimutan ko na lahat...katangahan na kung katangahan pero anong magagawa ko eh ganito ang pakiramdam ko eh...ewan ko ba kung manhid lang talaga siya o ano samantalang halos lahat na yata eh alam na may gusto ako sa kanya... kelan lang meron siyang kasalanan sa akin... galit na galit ako pero nang makita ko siya parang nabura lahat ng galit... habang nakangiti siya na may maamong mukha...yun lang ang kailangan niyang gawin para mawala ang kung anumang sama ng loob... sana meron akong kapangyarihang pahintuin ang oras para pwede ko lang siyang tignan, di ko siya hahawakan....titignan ko lang siya habang iniisip kung ano ang magiging buhay ko pagtapos ng sandaling iyon...yun bang tulad ng dati... lagi lang sa tingin, sa mga biro at sa kung ano pang mga bagay na kumportable siya...dahil sa mga pagkakataong gano'n...wala akong ibang magagawa kundi isipin ang buhay ko habang siya masaya sa kanya...alam ko masasaktan ako ng husto...pero okay lang...hello pa lang niya mapapatawad ko na...

currently feeling: martir mode...

wahehehe!!!

wahehehehe!!!!

stupidity

some people are just stupid

Tuesday, February 22, 2005

natraffic ako kagabi..

maaga sana akong nakarating ng bahay kung di lang ako natagalan sa traffic sa old bridge ng Mactan...may mga pulis na nagsidatingan at ang pick up truck ng ABS-CBN...akala ng mga kasakay ko sa jeep eh dumating si gloria...asus! kailangan nga naman ng media exposure kung gano'n...pero may bahagi ng utak ko na nagsasabing hindi pagdating ni GMA ang dahilan ng traffic..ksi kung darating sya...sa new bridge siya dadaan..dun sa gawa sa platinum...para mas maganda tignan sa camera ng ABS-CBN...para mas magandang media exposure...kaya ibinasura ko na yung pag-aakalang siya nga yo'n...at sa aking pagkagulat...*shocked expression**whoa* isang kundoktor ng jeep ang nagsabi sa driver ng sinasakyan kong jeep na isang lalaki ang tumalon sa bridge...nagpakamatay daw dahil iniwan siya ng kanyang asawa kasi daw wala na siyang trabaho kaya wala na daw siyang kakayanan na buhayin silang pamilya niya...ang pobreng si lalaki wala nang makita pang dahilan para mabuhay kaya tumalon siya sa bridge... nakakaawa nman...kaninang umaga eh wala akong narinig na balita tungkol sa kanya...kung nakita ba siya o patay na...huwag nman sana...

kung sana may trabaho lang siya okay pa sana sila ng asawa niya...kung may sapat lang sana aiyang kakanyahan at kaalaman di na niya kailangan mawalan ng trabaho at maghirap ang kanyang pamilya...

Sunday, February 20, 2005

pathetic...

i really don't have any idea why the universe seems to conspire to make me feel pathetic this week...maybe mercury is in retrogate or maybe i just don't have any idea what are the things that are going on around me...i hate the feeling that i am not in control...i hate it when things don't go the way i want it to...i dunno what are the things that can make me feel alright about this whole situation but i'm trying as much as i can to be positive about certain things...
i'm hanging somewhere unsure...i'm holding on to something i know nothing about...
good thing i have this weblog wherein i can vent out all the hecks that are happening to me...again i hate this feeling...i wanna have at least a little control on the things that are happening...


isang taas kamaong pagabati sa lahat!!!
wala lang....

Tuesday, February 15, 2005

love u...

it's not how big it is...
....but what it says....

*wink*

belated happy hearts day!

graveyard

everything is blurry

Thursday, February 10, 2005

pinaghalo-halo....


maraming mga bagay ang nagpapagulo sa utak ko ngayon...di ko alam pero di ko yata maskyan masyado ang mga pagbabago sa paligid ko...may mga nakasanayan nang di ko inaakalang maglalaho na lang bigla...na mapapalitan ng iba...nahihirapan akong ibagay ang sarili ko sa mga pangyayari...siguro gaya ng mga naunang nakaranas nito sasabihin lang eh "sanayan lang"... siguro masasanay din ako na wala siya...nahindi ko siya nakikita...na kahit anong balita tungkol sa kanya ay wala...kahit mahirap...masasanay din ako...

**********
....maiba nman tayo....
akala siguro ni gloria mayaman lahat ng tao sa pinas...kung maaprubahan ang VAT mamatay ang mga Pilipino sa lahat ng pasaning ibibigay ng kanyang bulok na sistema ng pamumuno...puro lamang siya pacute sa camera ng lahat ng stasyon... bakit nga ba meron nito? syempre para may pambayad daw sa mga utang ng Pinas! para pag may naibayad na eh makaka-utang ulit!!! sabi niya ang mga malalaking kumpanya lang ang madadamay...pwede ba??? ginagawa niyang tanga ang mga tao!!! sa mga malalaking kumpanya daw ipapasa ang buwis...syempre ang mga kumpanyang ito ay ipapasa sa kanilang mamimili ang buwis...kaya ang mga mamamayan pa rin ang papasan sa VAT... sa oras na maipatupad ito...pati ata fishball at isaw ko eh tataas ang presyo...kahit na ang noodles at sardinas eh mamahal na rin...mas lalong lalabas na kawawa ang mga mahihirap (sa lahat naman ng pagkakataon ay sila ang kawawa)...ang mga pamilyang sardinas, tuyo, noodles ang nakakayanang ihain eh baka tuluyan nang wala nang makain!!! ito ba ang solusyon ni gloria sa kahirapan ng Pinas???di na siya nagsisilbi para sa interes ng sambayanang pilipino...ang interes ng mga mayayaman ang dala niya...nakakasuka nang tignan ang mga kaplastikan niya...ang bawat ngiti niya na tila nagpapahiwatig na ayos lang ang lahat ay isang malaking sampal sa bawat naghihirap na mga Pilipino...
naiinis na ako...kung di ko pa ito titigilan baka kung ano pang mga salita ang mailagay ko dito... kanina pa ako nagpipigil...kanina pa ako nagtitimpi...
*******
...sa kabilang banda (sa tatamaan lang!).....
alam mo na naman ang tama...alam mo naman kung ano ang dapat gawin...pero bakit tila wala kang pakialam sa mga nangyayaring kaguluhan sa paligid mo... iniiwan mo sa ere ang mga taong umaasa sa iyo...ginawa mo na ito dati...akala ko huli na 'yon...pero ngayon tila wala ka na talagang planong magbago....bakit di nlang pwede na makinig ka kahit isang beses lang...bakit hindi pwedeng maging maayos na lang ang lahat...bakit di mo na lang gawin kung ano ang dapat...kung ano ang tama...
pagod na akong magtanggol sa iyo kung may magtatanong kung napapaano ka na ba...ayoko nang saluhin ang mga reklamo ng ibang tao tungkol sa iyo...ayoko na silang pakinggan dahil nasisira lang ang kung anumang magandang pagtingin ko sa iyo...nabibingi na ako sa reklamo... ayoko nang makinig...

Sunday, February 06, 2005

valentine heartbreak...

i'm currently listening to laura pausini's song >>> loneliness
nope i am not lonely... i chose not to be... i do not need a boyfriend for me to be happy... i have lotsa friends and for me...it is already enough reason to be happy!!
i don't know why but valentine's has never been good to me... i broke up with my boyfriend on valentine's day which also happens to be our prom night... i dont wanna deal with the specifics but the bottom line is i don't see the need to celebrate it...
but on the contrary i have something to do on that day... i'm going to watch a cultural show...
hehehe...happy na life ko...
well valentines isn't bad at all....
happy hearts day everyone....

Friday, February 04, 2005

just wanna have fun



students just wanna have fun... i am a student... therefore.............

Thursday, February 03, 2005

punk_gurl



not a typical med person...that's me...i'm gonna rock every patient's world they wouldn't know what hit them... hehehe...
rock on!!!!