isinulat ko ang tulang umuunlad na daw ang pilipinas noong october 2005...
2008 nakita ang resulta ng 'pagunlad' na sinasabi ni gloria...mataas na presyo ng bilihin, mas kaunting bigas at pagkain sa hapag ng bawat juan dela cruz. mas lalong humirap ang mga pilipino, mas malalang krisis sa pamumuno ni la gloria. ang mga babala ng kritiko ay di niya pinakinggan, ang sigaw ng mga tao sa lansangan ay di niya inalintana, ang mga taong dala ang boses ng masa ay pinagsawalang bahala kaya dito umabot ang sitwasyon.tadtad pa ng kasinungalingan ang binabandera ng administrasyong arroyo.saan na lang dadamputin ang bawat pilipinong hikahos sa panahong ito, na pati ang sardinas at noodles ay di na rin kaya abutin ng kanilang kakaunting kita.
itinuturing nang 'panlipunang sakit' si gloria, arroyo disease kung tawagin. nasaan si gloria sa mga ganitong panahon na kailangan siya ng mga taumbayan, sa gitna ng kabi-kabilang krisis at eskandalo? tama bang magtago na lang sa malacanang at hayaan na lang ang mga 'galamay' niya ang makiharap sa mga taong pinangakuan niya ng kaunlaran.iba talaga ang staying powers ni gloria pero darating din ang araw ng mga tao, ikaw nga nila bilog ang gulong bababa ka rin at babagsak ka sa mga kasalananat utang mo sa mga tao.
panahon na kumilos, di na sapat ang makibalita na lang at makinig. di na maari ang magsawalang-bahala ang lahat dahil kakaunti na lang ay darating na ang panahon na delubyo ang hatid ng malawakang krisis na ito. di na maaring nasa loob na lamang tayo ng ating mga tahanan. nasa lansangan ang laban ng bawat masang pilipino...wag kayong mag-alala di kau nag-iisa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment