Saturday, June 28, 2008

Tug War

Nakapulupot ang dulo ng lubid
sa aking mga kamay.
Sa kabila, ikaw.
Hinahatak kita pabalik
sa akin. Hindi alam
kung yayakapin
o iiyakan.

Hinahatak kita pabalik.
At nagpapakirot
sa loob ang pangamba
na bibitiw ka. Hapdi
itong hindi mapapawi
ng taling ngumangabngab
sa mga palad.

Nakapulupot ang dulo
ng lubid sa mga kamay
at pulso. Silong nagbilibid
sa akin sa iyo. Dalamhati
itong aking tinatanganan
mula pa nang una
at hindi ako bibitaw.


*naantig ako...
http://www.tabulas.com/~soulfly

No comments: