Thursday, June 26, 2008

rough draft



eto po yung rough draft ng blog entry ko

nabasa ko minsan na ang bolpen ng isang writer ay laspag, kawawa at madalas nauubusan na lang ng tinta. mahirap daw kasi habulin ang nasa isip dahil kung gaano kasi kadalas ito dumating ay isang iglap din itong nawawala. ngayon ampanget ng sulat ko dahil hinahabol ko ang nasa utak ko. nahihirapan na nga akong isulat ng mabilisan baka di ko na maabutan. kumbaga sa bolpen, nagtatae ng husto ang aking tinta...tumatapon, kumakalat at dumudumi ngayon sa papel na ito ang mga nasa loob ng utak ko. di kasi ako ganun kabilis magtype kaya papel at bolpen muna bago ko isalin sa blog ko ---- na ngayon ay binabasa mo. ayan na, nagsisimula na akong maging interactive sa mga nagbabasa ng blog ko. hahaha!! (kung may nagbabasa man!)

sa totoo lang naunahan na naman ako ni diwa, di ko na siya naabutan, wawa naman ako. pero ok lang kasi dumudugo pa rin naman ang bolpen ko. actually, bolpen ito ng kapatid ko - isang uni pin fine line 0.1 - dinekwat ko sa kanyang napakakyut na mint green na pencil case. napapahinto na ako ng konti sa pagsusulat kasi medyo nagiisip na ulet ako sa magiging daloy ng entry na ito.

pakiramdam ko sa tuwing mauunahan ako ng takbo ng utak ko eh parang di ko alam kung saan ko ipupuwesto ang sarili ko.

naalala ko tuloy noong 4th yr highschool ako. transferee ako nun, walang kahit sinong kakilala sa eskwelahan bukod sa mga kapatid at sa vice pricipal (sa papel eh puro bura bura na at may edit pang irrelevant..nyahahaha). ganung pakiramdam na 1st day sa eskuwelahan na wala kang alam sa mga taong nandun at gusto mo na lang maupo sa isang sulok - kasi di mo alam ang lugar mo.

*edit edit bura bura*

pag di ko talaga mahabol si diwa ay naliligaw ako ng bonggang bongga pati na rin ang mga katha ko. gaya ngayon di ko alam kung paano tatapusin.

sa totoo lang nagtatae pa rin ng tinta ang bolpen na hawak ko. parang marami pa siyang gustong sabihin pero di makawala ang mga titik. marahil sa iba pang mga sulatin...pwedeng kapatid ko ang kasama niyang sumulat at maaring di ko na rin ito ibalik para maging "official katha-maker" ni inah. inaantok na ako at di ko na rin halos mabasa ang sarili kong sulat kaya ipapark ko muna ang pen ko (parang elementary lang na sumasagot ng slambook tccic, japan at italy)

st.zanjoe marudo *pray for us*
st.jake cuenca *pray for us*
st.gym instructor *pray for us*

No comments: