Tuesday, December 21, 2004

eto na

pag tinatanong ako ng mga tao kung gusto ko ba ang ginagawa ko napapangiti ako at madalas di ako sumasagot...so ngayon sasagutin ko na *showbiz diba?**cameras pls*
sa tuwing may maririnig ako na di maganda o sa mga balitang di kaaya-aya eh sumisikip ang dibdib ko at di ko maiwasang magalit....di ko lubos maisip na sa lipunan natin ay mga taong walang pakialam sa iba...kahit buhay pa ang mawala basta marami lang silang pera...yun lang naman ang puno't dulo no'n...PERA...
sa sobrang sakit..sa sobrang sikip di ko na magawang tumahimik na lang at magkunwari na walang nangyayari... parang lumiliyab ang aking kabuuan para kumilos...
noon di ko alam kung paano ako makakatulong...kasi nga 'bata' pa nga ako...ni hindi nga ako makakilos na walang permiso ng magulang ko pero di ko naman kailangan 'tumanda' para makialam sa kung ano ang nangyayari sa paligid ko...balang araw lalabas din ako ng paaralan at mamumuhay sa 'totoong mundo'... gusto ko lang paglabas ko sa mundong iyon may kaayusan na...pantay na ang lahat ng tao...
kaya masaya ako sa ginagawa ko...dahil di lang nman para sa iba ang ginagawa ko...para sa mga kaibigan, pamilya, classmate, kahit na rin sa kapitbahay ko...*owwwsss*balang araw magbubunga din ito... maaring hindi ngayon o baka di rin sa panahon ko pero ang tanging nagpapalubag ng loob ko ay ang bagay na alam kong kumikilos ako para sa lahat...
ITO ANG BUHAY KO!!!!KAYA NGA MASAYA EH!!!

No comments: