kababasa ko lang ng umano'y kinahinatnan ng inabduct na UP students na sina Karen at Sherlyn...naubos ata ang mura ng iba't ibang lenguwahe ang naisip ko ng mabasa ko ang mga kahayupang ginawa nila...pagkatapos ng dalawang taong pagkawala ay makikita na lamang walang buhay at di na makilala...inabuso at pinahirapan pa...walong buwang nasa loob ng hukay na di man lang alam ng mga tao kung sino ang nandoon...isang kalapastanganan para sa mga bayaning itinututring ng masa...
ito ang sagot nila sa bawat tutuligsa sa pamumuno ng isang pasistang gobyerno...ito ang paraan nila ng paninindak sa mga magtatangkang buwagin ang sistemang bulok na pinamumunuan ng isang halimaw...hindi porket babae ka eh may karapatan ka ng manakit, umabuso at pumatay...wala kang ni katiting na karapatan para kitlin ang buhay ng mga walang ibang layon kundi ang iangat ang interes ng masang patuloy mong ninanakawan...
dalawa lamang sila sa napakaraming kaso ng kalupitan ng administrasyong arroyo...at hindi dito matutuldukan ang kalupitang gagawin pa kung hindi kikilos ang bawat pilipino...marami nang bayani ng masa ang nawala, inabuso at pinatay huwag na nating hayaang madagdagan pa ito...wag na nating patagalin pa ang pag-upo ng mga berdugong nasa kapangyarihan...tayo ang masa, nasa atin ang kapangyarihan upang baliktarin ang kasalukuyan para sa ating kinabukasan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I think you guys should make a noise about this one.
This should not be left unnoticed. The frigging government is killing innocent, young and promising individuals.
Kumukulo ang dugo ko dito, Inah!
Anyways, thanks for the link.
Another fearless post! An eye opener to some people who are still blind to the truth behind Arroyo's murderous regime!
The President and all her running dogs wallow in the blood of the innocent. How long can we let this happen?
kaya nga dapat lahat tayo ay kumilos...para si la gloria at ang mga walang pusong gumagawa ng karahasan na ito ay tuluyan ng mabura sa kapangyarihan...at pagbayaran ang mga kasalanan...
Post a Comment