minsan masarap itanong sa sarili kung ano nga ba ang talagang halaga mo sa mundong ito... yung bang tipong iniisip mo kung tama ba talaga yung mga ginagawa mo para sa mga tao o kung doon ka talaga naka-tadhanang kumilos...kung iyon ba talaga ang dapat na kalagyan mo...kung iyon ba talaga ang dapat gawin mo...
pero kung iisipin ko lang din ang kasiyahan ko sa ginagawa ko di na sumasagi sa utak ko ang pagtatanong kung ito ba ang tama...kasi sa nalalaman ko...kung para sa mga tao ang ginagawa ko eh tama yun...kung maraming giginhawa balang araw sa mga gingawa ko...astig daw sabi ng iba...pero para sa akin...misyon ko na sa buhay yan...kung baga yun yung tinatawag nilang "calling" ko...yung bang kailangan ko tumugon sa kung ano ang nais ng tadhana para sa akin, yung bang tatayo ako sa kung ano ang prinisipyo ko...
tatayo ako kahit ako na lang mag-isa, ang meron lamang ako ay ang nakatiklop kong kamao at ang nagbabaga kong mga kamay na di titigil sa pagsusulat sa kung ano ang totoo, sa kung ano ang tunay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
I also sometimes think like that.But until there are people suffering I see that my life still has a purpose! Inah hindi ka nag-iisa!
Post a Comment