Friday, March 21, 2008

Mula sa KM64

Ngayong araw na ito (03182007) ay ihahatid na ng kanyang pamilya, ilang mga kaibigan, at sampu ng kanyang mga kaanak si Jemalyn Lacadin sa kanyang huling himlayan. Namatay siya sa edad na 24.

(basahin ang karugtong)

Sunday, March 16, 2008

eto ako....

minsan masarap itanong sa sarili kung ano nga ba ang talagang halaga mo sa mundong ito... yung bang tipong iniisip mo kung tama ba talaga yung mga ginagawa mo para sa mga tao o kung doon ka talaga naka-tadhanang kumilos...kung iyon ba talaga ang dapat na kalagyan mo...kung iyon ba talaga ang dapat gawin mo...

pero kung iisipin ko lang din ang kasiyahan ko sa ginagawa ko di na sumasagi sa utak ko ang pagtatanong kung ito ba ang tama...kasi sa nalalaman ko...kung para sa mga tao ang ginagawa ko eh tama yun...kung maraming giginhawa balang araw sa mga gingawa ko...astig daw sabi ng iba...pero para sa akin...misyon ko na sa buhay yan...kung baga yun yung tinatawag nilang "calling" ko...yung bang kailangan ko tumugon sa kung ano ang nais ng tadhana para sa akin, yung bang tatayo ako sa kung ano ang prinisipyo ko...

tatayo ako kahit ako na lang mag-isa, ang meron lamang ako ay ang nakatiklop kong kamao at ang nagbabaga kong mga kamay na di titigil sa pagsusulat sa kung ano ang totoo, sa kung ano ang tunay

Para sa Estudyanteng Nakikibaka

NI DANILO ARAÑA ARAO
Konteksto/ Pinoy Weekly
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 7, Marsop 16-29, 2008

Hindi ito sermon mula sa nakatatanda kundi isang munting paalala.

Alam mo na ang iskedyul ng mga kilos- protesta mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng semestre ngayong Marso. Malamang na magpapatuloy pa ang mga ito hangga’t ang Pangulo ay hindi pa bumababa sa puwesto.

Inaasahan kang makiisa sa mga ito para ipakita sa mga nasa kapangyarihan ang malawakang pagtutol ng mamamayan sa katiwalian ng pamahalaan at pangkalahatang kabulukan ng sistema.

Nasa iyo ang desisyon kung hanggang saan mo gustong dalhin ang iyong pagkilos. Sa isang lipunang “normal,” tungkulin ko bilang guro na sabihan kang unahin ang pag-aaral dahil ito ang pundasyon ng iyong magandang bukas.

Pero alam mong malayo sa “normal” ang ating kalagayan, at wala akong karapatang sabihing magkakaroon ka ng magandang bukas dahil lang sa nakapagtapos ka ng pag-aaral. Bilang estudyanteng may mataas na antas ng kamulatan, alam mong ang pagtatapos ng pinili mong kurso sa kolehiyo ay hindi awtomatikong magpapaunlad sa iyong buhay.

Sa katunayan, mula sa pagiging kasama sa mga kilos-protesta, baka magiging kasama ka na lang sa lumalaking bilang ng mga walang trabaho. O mas malala pa, baka magiging kasama ka na lang sa nabigyan ng trabaho kapalit ng iyong prinsipyo.

Ito ang dapat mong iwasan - ang pagkawala ng pakikibaka sa iyong pagtanda.

Marami na akong kakilalang seryosong kasapi ng parlamento ng lansangan na naging seryosong empleyado ng tubo. Tuluyan na nilang kinalimutan ang kahalagahan ng pagkilos, at kasama na sila sa kumokondena sa mga nangyayaring protesta bilang "simpleng pinagdaraanan lang ng kabataan."

Napapailing na lang ako sa kanilang katwiran: "Dati rin kaming aktibista, pero namulat kami sa katotohanang mahirap baguhin ang sistema. Kailan din naming kumita para sa pamilya, kaya mas mabuti pang isipin na lang ang sariling pag-unlad kaysa mapaos sa kasisigaw sa mga problemang mas matanda pa sa atin."

Sigurado akong may mga kakilala kang may ganitong aktitud na kumukumbinsi sa iyong kalimutan na ang pagmamartsa dahil ang iyong pagsigaw ay pansamantala lang ang alingawngaw. Kahit sabay-sabay kayo, lulunurin lang ng ingay ng tao’t sasakyan sa lansangan ang anumang mensaheng nais ipahatid. Ang nakararami diumano ay may praktikal na pangangailangang kumita para gumanda ang buhay ng pamilya.

Malamang na may mga panahong nagdududa ka kung tama ba ang pinili mong tahakin. Habang ang mga kaklase mo’y pinoproblema lang ang kasiyahang gagawin sa pagsapit ng gabi, nakikipagpulong ka sa iba pang kasama para sa mga susunod na pagkilos. Sa halip na malasing s alak at basta na lang tumumba sa tindi ng tama, pinipilit mong magising sa tapang ng kapeng iniinom para labanan ang antok.

Mula sa iilang nakatatandang alam ang iyong pinagdaraanan, maniwala kang may dahilan para ipagpatuloy mo ang ganitong buhay. Sana’y huwag kang magpadala sa pambubuyo ng mga walang pakialam. Sana’y huwag kang matukso sa kinang ng salapi sa oras ng iyong pagtatapos sa kolehiyo. Patuloy mong tingnan ang pag-aaral hindi lang sa loob ng klasrum kundi maging sa labas nito.

Sa panahong katulad nito, lubhang kailangan ang mga katulad mo.

Saturday, March 15, 2008

nakakagalit na...

kababasa ko lang ng umano'y kinahinatnan ng inabduct na UP students na sina Karen at Sherlyn...naubos ata ang mura ng iba't ibang lenguwahe ang naisip ko ng mabasa ko ang mga kahayupang ginawa nila...pagkatapos ng dalawang taong pagkawala ay makikita na lamang walang buhay at di na makilala...inabuso at pinahirapan pa...walong buwang nasa loob ng hukay na di man lang alam ng mga tao kung sino ang nandoon...isang kalapastanganan para sa mga bayaning itinututring ng masa...

ito ang sagot nila sa bawat tutuligsa sa pamumuno ng isang pasistang gobyerno...ito ang paraan nila ng paninindak sa mga magtatangkang buwagin ang sistemang bulok na pinamumunuan ng isang halimaw...hindi porket babae ka eh may karapatan ka ng manakit, umabuso at pumatay...wala kang ni katiting na karapatan para kitlin ang buhay ng mga walang ibang layon kundi ang iangat ang interes ng masang patuloy mong ninanakawan...

dalawa lamang sila sa napakaraming kaso ng kalupitan ng administrasyong arroyo...at hindi dito matutuldukan ang kalupitang gagawin pa kung hindi kikilos ang bawat pilipino...marami nang bayani ng masa ang nawala, inabuso at pinatay huwag na nating hayaang madagdagan pa ito...wag na nating patagalin pa ang pag-upo ng mga berdugong nasa kapangyarihan...tayo ang masa, nasa atin ang kapangyarihan upang baliktarin ang kasalukuyan para sa ating kinabukasan...

Saturday, March 08, 2008

in times like these we miss Sin

Cardinal Sin's last wish before he died was to have Gloria Macapagal-Arroyo and First Gentleman Mike Arroyo to be at his side. the reporter asked why

Cardinal Sin: "i want to die like christ... with two thieves by my side."

i found this entry at a friend's old blog ...funny yes...but it makes us think, Cardinal Sin knew what was happening and he already had his stand from the beginning (even before this zte scandal surfaced and hello garci). i also heard in the news that the problem why it is hard to mobilize the people into the streets to throw of the arroyo regime is the lack of a Cardinal Sin-like sense of activism and vigilance. if only Cardinal Sin is here....

Cardinal Sin already told us his stand, he immortalized the action that should be done.

did Cardinal Sin really died like christ? no. for in the bible the other thief felt remorse but the thieves he was talking about are still there hoarding money like hell broke loose.

we all know what should be done...and the answer is not in the safeness of our homes and offices. the answer is in the streets where the battle is, where Gloria and the rest of her lapdogs are going down.