Thursday, November 18, 2004

nakakapagod pala

akala ko kaya ko...nakakapagod din pala...parang gusto kong bawiin bigla ang "CHALLENGE" na dinulot ng bigla kong pagka-busy...bumigay na nga ang katawan ko kasi sobrang stress...pero di ko yun sinisisi sa bago kong trabaho....siguo kung may insomia ka at talagang malamig ang paligid eh magkaka-ubo at sipon ka then mauubusan ka ng boses....nakakatawa nga kasi sa recitation namin sa speech class nirecord ang boses ko to asses daw ang mga dapat icorrect sa speech ko....or rather sa pronunciation ng mga words...then wala akong boses or sa madaling sabi eh papiyok-piyok ako...tawanan naman sa klase kaya nakitawa na lang ako sa kanila...

sabi ni charisse para ko daw diary itong blog ko...well...wala kasing maisipan na mga pwedeng ipost dito na masaya....yung nakaka-engganyo basahin....sige lang...next time pagka naumpog na ang ulo ko sa kung saan...*tog*

okay 15 mins. from now klase ko na...kailangan magmadali para di ma-late...computer class... ano nga ba ang history ng computer?di ko alam kaya bahala na lang mamaya...bading naman yung teacher namin kaya baka yung mga lalaki ang tatawagin niya...hehehehe....pero hindi oi!!! mabait si sir!!!masaya din kung mag-discuss....sige lang....last meeting eh nagsawa na naman siya kaka-recite ko eh...kaya baka di niya ko tawagin ngayon....

nakakapagod din pala kahit gustong-gusto mo yung ginagawa mo....siyempre mas gusto mo eh mas nage-effort ka....kaya mas napapagod ang katawan mo...hhhaaayyy...okay lang...at least masaya ako...

another thing to be happy...well..classmate pa rin kami nina deep_pie at ni kirby sa chemistry... paano ba naman eh may nalalamang change of schedule yung prof namin kaya naloka ako kakahanap ng paraan para maka-kuha pa rin nung subject na iyon...so luckily eh nagbaliktad lang yung english class ko and yung chemistry....

okay 5 more mins. aalis na k baka magalit pa si sir at di na 'ko papasukin sa computer lab....

mamaya na lang...



No comments: