kung gano kabilis kang dumating...ganon ka rin kabilis nawala sa 'kin....
Monday, September 17, 2007
sa bagong ikaw...
ikaw na nananahan sa aking puso sa ganitong panahon...ikaw na nagbigay muli ng bagong sigla...bagong lakas na meron ako ngayon...sa bagong ikaw na nagbibigay ngiti, galak at sigla sa bawat ginagawa...
mahal kita...
mahal kita...
Tuesday, August 07, 2007
tama ka emman di pa tapos ang ulan (isang pagpupugay)
di pa tapos ang ulan
sa panulaang rebolusyonaryo
sa mga abanteng diwa
ng mga masang api
ng mga studyanteng ligaw
ng mga kabataang taas kamaong
nakikibaka
laban sa imperyalismo
sa peudalismo
sa pasismo
tama ka Emman,
di pa tapos
bagkus naglalangit-ngit
ang bawat nagdurugong pluma
ng mga tulad mo
salita ang gamit
para sa dambana ng demokrasya
kaya sa panibagong sigwa
asahan mo Emman,
uulan ng husto
sa panulaang rebolusyonaryo
sa panulaang rebolusyonaryo
sa mga abanteng diwa
ng mga masang api
ng mga studyanteng ligaw
ng mga kabataang taas kamaong
nakikibaka
laban sa imperyalismo
sa peudalismo
sa pasismo
tama ka Emman,
di pa tapos
bagkus naglalangit-ngit
ang bawat nagdurugong pluma
ng mga tulad mo
salita ang gamit
para sa dambana ng demokrasya
kaya sa panibagong sigwa
asahan mo Emman,
uulan ng husto
sa panulaang rebolusyonaryo
Sunday, May 27, 2007
sulat
"sabi niya ikaw lang ang mahal,
seryoso siya sa lahat ng pangako sinta..."
dati araw araw kong naririnig ang mga salitang yan ...namimiss ko na ang ganung buhay...pero sa mga nangyayari sa kasalukuyan maari ko ring maisip na di doon natatapos ang saya ng buhay ko...maraming mga bagay na dapat ikatuwa kahit na minsan ay mahirap isipin na kailangan merong mga maiwan...merong mga nakikitang bago at merong mga di na kelan man makikita pa...pagibig na muling nakapiling...pagibig na habangbuhay ng mawawala...yung akala mong panghabangbuhay ay panandalian lang pala...parang mga bulalakaw sa kalangitan na mawawala rin sa isang iglap...sing bilis ng pagdating nila sa buhay ko...yung iisipin mong permanente sa buhay mo ay babawiin rin balang araw...at sa di inaasahang pagkakataon ay doon pa mawawala ng tuluyan...yung wala kang pagkakataong makapagpaalam...yung pagkakaitan ka ng pagkakataong mamaalam...hanggang sa wala ka ng ibang pwedeng gawin kundi hilingin na kung pwede mo lang sanang maibalik...
"patawarin mo ako,
mapaglarong isipan..."
di akalaing sa tinagal ng panahon ngayon ko lang maiisip na sabihin ito sa taong matagal hinintay ang mga salitang ito...PATAWAD...pero huli na...kahit na sabihin ko ng paulit ulit di na niya maririnig...di na niya malalaman kung ano ang nasa sa loob ko at kung ano pa ang maga gusto kong sabihin sa kanya...di na niya maririnig ang mga masasayang kwentong nais kong ibahagi sa kanya at ang mga nakalulungkot na katotohanang sana ay dati mo pa pinaalam...di lang niya alam na sa lahat ng mga ginagawa mo ay siya ang pinagaalayan mo nito...sana alam niya...sana mararamdaman niya kung gaano kahirap na wala siya sa tabi mo para makita man lang niya na lahaty ng ito'y para sa kanya...na mahal mo siya...na nagsisisi ka na....
PARA SA IYO NA NAGING MALAKING BAHAGI NG BUHAY KO...ANG UNA KONG PAG IBIG...

Wednesday, March 28, 2007
eto na ulet...meron na!!!
nakakahiya naman kasi binigay ko sa isang kakilala ko ung blog ko pero di ako nakakapagupdate...hehehe...panu kasi nagpapanggap na busy ang lola mo...bwahahaha...
*****
teka may naalala ako at napagtanto...miss ko na ang dating buhay ko...miss ko na ang pagiging estudyante at ang makasama ang mga kasama...malayo man ako sa kanila pero sana alam nila na nasa kanila pa rin ung isip ko at nalulungkot ako kasi wala akong maitulong sa kanila...darating din yan...konting panahon na lang at magbabalik din ako sa cebu at makakakilos akong muli...makakasama ko na kayo ulit mga kasama..*sob*(tagalog mode pala ito...teka edit ko) *hikbi*...namimiss ko na ang sumulat...namimiss ko na ang kumilos...namimiss ko na ang pawis, ang sigaw, ang pagod, ang sarap na alam mong kumikilos ka para sa ikabubuti ng marami...madalas naiiyak ako sa mga nangyayari dahil wala ako sa tabi ninyo mga kasama...nalulungkot ako dahil lantaran kong nakikita kung ano ang agwat na meron ang bawat isa...madalas masarap isigaw na lang na eto ako...alam ko nararamdaman mo at may pagasa tayo...gusto ko kayong makasamang muli...gusto ko kayong matulungang muli...*****
Subscribe to:
Posts (Atom)