Sunday, August 29, 2004

galit lang ako....

nabubuhay ako sa mundo na kung saan hindi ako pwedeng magpakita ng kahit anumang emosyon.....ang bawat kilos ko ay idinidikta ng mga taong iniisip na sila ay "perpekto"...di pwedeng magalit, matuwa o malungkot...nais nila akong gawing manhid sa kung anumang emosyon na meron sa puso ko....nakakasakal at di na ko makahinga...kailangan daw gawin ang "DAPAT" dahil yun daw ang "MABUTI" para sa akin...dinesenyuhan na nila ang buhay ko at ginuhit sa kung anumang nais nilang KALABASAN KO...pero sa kanilang pagkadismaya...lumihis ako sa landas na inihanda nila sa akin kaya ngayon lahat ng paraan na maisip nila ay ginagawa nila upang ibalik ako sa DAPAT KO RAW KALAGYAN.....minsan sumasagi na lang sa isip ko na kung ano ba ang nagawa ko at ganito ang kinalabasan ng buhay ko.....nakakapagod na..... kaya pakiramdam ko....nabubuhay pa ba ko????

1 comment:

joyzjourney said...

ganyan din pakiramdam ko nung galit pa 'ko sa mundo.
makakalabas ka rin sa "hawla ng galit"... pramis.