gusto kitang makasama
gusto kitang yakapin
sa silong ng mahiwagang kalangitan
sa ilalim ng ningning ng mga bituin
gusto kong damhin
ang init ng iyong yapos
ang pintig ng iyong puso
ang tamis ng iyong halik
gusto kong ikulong ka sa aking mga braso
huwag kang pakawalan
hanggang sa maramdaman mo
na nabubuhay ako para sa iyo
nais kong ipunin ang bawat sandali
na yakap kita, na nasa tabi kita
nais kong marinig mula sa iyo
ang mga salita ng pagsinta
nais kong hilahin ang mga araw
para sa itinakdang panahon
na sa wakas ay kasama ka na
Monday, April 21, 2008
Friday, March 21, 2008
Mula sa KM64
Ngayong araw na ito (03182007) ay ihahatid na ng kanyang pamilya, ilang mga kaibigan, at sampu ng kanyang mga kaanak si Jemalyn Lacadin sa kanyang huling himlayan. Namatay siya sa edad na 24.
(basahin ang karugtong)Sunday, March 16, 2008
eto ako....
minsan masarap itanong sa sarili kung ano nga ba ang talagang halaga mo sa mundong ito... yung bang tipong iniisip mo kung tama ba talaga yung mga ginagawa mo para sa mga tao o kung doon ka talaga naka-tadhanang kumilos...kung iyon ba talaga ang dapat na kalagyan mo...kung iyon ba talaga ang dapat gawin mo...
pero kung iisipin ko lang din ang kasiyahan ko sa ginagawa ko di na sumasagi sa utak ko ang pagtatanong kung ito ba ang tama...kasi sa nalalaman ko...kung para sa mga tao ang ginagawa ko eh tama yun...kung maraming giginhawa balang araw sa mga gingawa ko...astig daw sabi ng iba...pero para sa akin...misyon ko na sa buhay yan...kung baga yun yung tinatawag nilang "calling" ko...yung bang kailangan ko tumugon sa kung ano ang nais ng tadhana para sa akin, yung bang tatayo ako sa kung ano ang prinisipyo ko...
tatayo ako kahit ako na lang mag-isa, ang meron lamang ako ay ang nakatiklop kong kamao at ang nagbabaga kong mga kamay na di titigil sa pagsusulat sa kung ano ang totoo, sa kung ano ang tunay

Subscribe to:
Posts (Atom)